Monday, June 11, 2007

sangandaan

Alin ba ang naaayon?
Ang NAIS o ang DAPAT?
Ang Ninanais o ang Nararapat?

Para sa mga nagtatanong, para sa inyo ang kanatang ito...

----


Sangandaan

walang komplikasyon sa buhay mo noon

kalooban mo'y panatag,

kalangitan ay maliwanag

ang daan ay tuwid at patag

sa buhay mo noon.


ngunit bawat pusong naglalakbay

dumarating sa sangandaan

ngayong narito ka

kailangang magpasya

aling landas ang susundin ng puso?

saan ka liligaya?

saan mabibigo?

saan ka tutungo?


kay daling sumunod sa hangin at agos

aasa ka na ang dalangin

gagabay sa 'yong damdamin

ngunit saan ka dadalhin

ng hangin at agos?


alam mong bawat pusong nagmamahal

dumarating sa sangandaan

ngayong narito kakailangang magpasya

aling landas ang susundin ng puso?

saan ka liligaya?

saan mabibigo?

saan ka tutungo?

No comments: